Naglagay ng public bike repair station ang pamahalaang barangay ng Dolores sa taytay rizal.
- Gov.Garry
- Nov 11, 2020
- 1 min read
Ayon sa Kapitan ng Bgry Allan Deleon layunin nito ay mabigyang tulong ang ilang mga kabarangay at Kalalawigan na na masisiraan ng bisekleta o lumambot ang gulong.
"Malaking bagay ito ngayon sa ilang mga taga rizal na siklista at doon sa ibang gumagamit ng bisekleta papasok sa kani kanilang mga trabaho" ani Deleon.

Mayroong apat na Public repair stations. Ito ay sa poblacion sa tabi mg New Brgy. Hall na matatagpuan sa C.Valle Corner Mahinhin St, sa gitnang Libed Detachment
L. Wood St. at Corazon C. Aquino Elementary school,Tikling Satellite Detachment Office sa kahabaan ng Cabrera Road, Beside PT&T at sa Taytay Hills Balagot Detachment
Infront of Asia Pacific Nazarene sa gawing kanan paakyat ng antipolo city.
"Nawa po ay makatulong ito lalo na ngayon na halos lahat po ay ginagamit na ang Bisikleta sa pagpasok sa trabaho at pag-alis

Muli, ibayong pag-iingat sa panahon ng pandemya at bagyo at gayundin sa mga aksidente..panalangin po namin ang kaligtasan ng lahat" dagdag pa ni Deleon.
Sinabi rin ng Kapitan na maaring magdagdag pa sila ng mga bike repair shop sa ilang kalsada na sakop ng kanilang barangay na dinadaan rin ng mga nag bibisekleta.
Comments