top of page

SEN.BONG GO NAG BUKAS NG MALASAKIT CENTER SA BAYAN NG CAINTA RIZAL.

  • Gov.Garry
  • Oct 17, 2020
  • 1 min read

Updated: Oct 17, 2020

Senator at chairman ng Senate Committee on Health and Demography Christopher Lawrence “Bong” Go, Nagpunta sa Cainta Rizal upang pasinayanan ang ika 87th Malasakit Center.

Larawan kuha ni Michael lomotan

Mismong si Sen. Christopher “bong” Go at Mayor Keith “Kit” Nieto ang nagpasinaya sa pinaka bagong Malasakit Center sa Cainta Municipal Hospital. Ito na ang ikatlong Malasakit Center sa Rizal. Matatagpuan sa mga pampublikong ospital sa Antipolo City at Binangonan ang iba pang Malasakit Center.

Larawan kuha ni Michael lomotan

Ang malasakit Center ay  “one-stop shop” kung saan ang mga pasyenteng Pilipino ay maaaring mag-aplay para sa financial at medikal na tulong mula sa Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Larawan kuha ni Garry Rada
“Hindi nyo na po kailangan pa pumunta ng Maynila na napaka-traffic. Magtulungan po tayo para dito sa Malasakit Center lalong lalo na po sa mga kababayan natin dito sa Cainta,” pahayag ni senador Go.
“Malasakit Center targets zero balance,” dagdag pa niya

Nagpasalamat naman si Cainta, Rizal Mayor Johnielle Keith “Kit” Nieto sa senador para sa paglalaan ng Malasakit Center sa kanyang bayan. Nag-abot din ng tulong na 5 Million si Sen.Bong Go sa Bayan ng Cainta, Rizal 

Larawan kuha ni Garry Rada
Larawan kuha ni Garry Rada
"Kahit hindi taga-Cainta ay handa kaming tulungan. Kalusugan yan kaya dapat na pangalagaan,” ayon pa kay Nieto.

Comments


bottom of page