top of page

PDEA HUMINGI NG TULONG UPANG MAPABILIS ANG PAG SIRA NG MGA ILIGAL NA DROGA.

  • Gov.Garry
  • Oct 12, 2020
  • 2 min read

Humihingi ng tulong ang Philippine Drug Enforcement Agency o (PDEA) sa Prosecutors upang masira ang mahigit na P15.1189 bilyong halaga ng nakumpiskang mga droga, ayon sa isang opisyal ng ahensya nitong Lunes,


Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo ang lahat ng mga Law Enforcement  Agencies na sirain ang mga nakuhang iligal na droga tulad ng methamphetamine o (SHABU) upang maiwasan ang pag-recycle at muling pagbebenta nito sa lansangan.


Agad sumulat ang PDEA sa Department  of justice (DOJ) at  humihingi ng tulong upang ang mga Prosecutor ng nakabinbin na mga kaso ng iligal na droga ay makakuha ng pahintulot sa mga Courts na siyasatin at tuluyang masira ang mga ebidensyang droga, ayon ito sa tagapagsalita ng ahensya na si Derrick Carreon.


“Sisikapin po naming makuha ang mga kaukulang court order para maisama natin sa nakabinbing pagkawasak noong Oktubre 15.


Susubukan naming makuha ang Court Persmission  upang maisama namin iyon sa nakabinbing pagkawasak sa Oktubre 15) Ang PDEA ay magsusunog ng halos isang toneladang narcotics Evidences at nakatakdang gawin sa Trece Martires, Cavite sa Oktubre 15,


aniya. “Ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 mahigpit na nag-uutos na ang korte ay dapat magsagawa ng isang ocular inspeksyon ng mga nakumpiska, nasamsam at / nagsuko na mga bawal na gamot at paraphernalia sa loob ng 72 oras o ituloy ng PDEA sa pagsira ng ebidensya,


Samamtalang nitong nakaraang August 21 ay aabot sa P13 bilyong pisong halaga ng ipinagbabawal na gamot ang nasira ng Ahensiy. Ani Carreon


“Dahil po nagsusunod-sunod ang malakihang hulihan o pagkumpiska ng iligal na droga, kapag nababawan po ang iyong imbentaryo natin, maaaring makapasok naman pong panibago kaya sa pananaw ng karamihan, parang hindi nauubos ang droga,” aniya.


(Dahil patuloy ang mga law enforcement  sa pagsawata at pag huli ng iligal na droga, kapag nabawasan ang aming imbentaryo, mayroong isang bagong pangkat na papasok kaya maaaring isipin ng ilang tao na ang mga gamot ay hindi naubos.)


Ayons sa Ahensya aabot sa 603 drug dens ang na raid o nasira  simula Hulyo 1, 2016 hanggang Agosto 31, 2020. Dagdag pa niya.

Comments


bottom of page