4 na kabataan na magpraprank sana inaresto ng mga pulis sa Valenzuela.
- Gov.Garry
- Sep 8, 2020
- 1 min read
Apat na kabataan arestado matapos ipasok sa loob ng sako ang isa nilang kasama.
Kinilala ang mga ito na sina Mark Francis Habagat, 20, Mark Aldrin Arce, 20, Chris Bayron, 20, at Wynzel Tan, 19, na lahat ay nakatira sa ibat- ibang barangay sa Valenzuela City.

Ayon sa report ng sub-station 1 sa Paso De Blas Police precint , nila PCpl Rosario Cruz and PCpl Ian Baggay, isang concerned citizen ang tumatawag ng pansin nila habang nagpapatrolya sa kahabaan ng west service road sa Barangay Paso De Blas.
Ininformed ang pulis tungkol unidentified person na inilagay sa loob ng sako sa isang dumped area na kinalaunan ay nadiskubre na si habagat na isa sa mga kabataan.

Dito na nahuli ang tatlong mga suspek na nagtatago habang nagre-record ng video na parte ng kanilang social media activity.

Ayon kay PSSg Regor Germedia, imbestigador ng kaso na inamin na mga suspects na sila'y gumagawa ng public prank sa mga dumadaan at iuupload ang video sa social media para makakuha ng maraming likes at views.

Sinabi ng mga police na nagbunsod ito ang incidente ng alarma sa publiko at hindi ito ang panahon para gumawa ng prank dahil nakaalerto ang mga kapulisan dahil sa Covid-19
Ang mga suspek ay nahaharap sa Violation ng Article 155 of the Revised Penal Code, na nagsasanhi ng alarm and scandal at paglabag sa city ordinance no. 673 (social distancing), at ang mandatory use of quarantine pass..
Via | Jo Alcantara
Comments