top of page

Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng shabu sa Marikina City.

  • Gov.Garry
  • Sep 7, 2020
  • 1 min read

Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng shabu sa Marikina City.

Ayon kay P/Capt Fernildo De castro Hepe ng Station Drug enforcement unit kinilala niya sina Eloisa Hipolito 32 taong gulang, na nakatira sa santolan pasig at Von Jovi Oliva 26 taong gulang nakatira sa calumpang marikina kapwa walang trabaho.



Naaresto ang mga suspek sa isang buy bust operation ng SDEU na pinangunahan ni PLT Antonio Balois jr sa kahabaan ng M. H. Del Pilar St., Brgy Calumpang, Marikina City matapos mabilhan ng pulis na nag panggap na posuer buyer.


Nakumpiska mula sa kanila ang 5 pirasong ng small heat sealed plastic sachet at

Tatlong pirasong medium transparent plastic sachet na parehong hinihinalang shabu.


Kabilang din sa nakuha ang isang violet pouch at one thousand peso bill bilang buy bust money.


Tinatayang nasa humigit kumulang 30 gramo na may street value na Php204,000 ng hinihinalang shabu ang nakuha sa mga suspek na iturnover sa EPD Crime Laboratory para sa pagsusuri.



Nakadetine ang mga suspek sa Marikina CPS, Custodial Facility na nahaharap sa Comprehensive dangerous drugs act of 2002.


Via | Jo Alcantara

Comentarios


bottom of page