Arestado ang isa umanong miyembro ng boratong drug group
- Gov.Garry
- Sep 7, 2020
- 1 min read
Sa joint operation ng DDEU-EPD RIU-NCR ay naaresto sa isang buy bust operation ang isang miyemebro ng boratong drug group sa No.650 MRR St., Barangay Pineda in Pasig City nitong sabado ng tanghali.

Ayon EPD Director PBGen Johnson almazan, na kinilala ang naarestong suspect na si Cenon roxas intalan, 61 alyas antonette, at nasa No.9 listing ng NCRPO priority data Base bilang illegal drug personality at miyembro ng Boratong Drug Group.
Si alyas Antonette ay naaresto matapos makipag transaksyon sa isang pulis na nagpanggap na buyer ng illegal na droga
Kahapon Setyembre 5, 2020 mga alas-12: 30pm.
nagsimula ang DDEU,RIU-NCR, at ang IG matapos makakalap ng impormasyon nitong na si @Antonette patuloy sa pagbebenta ng pagtutulak na bawal na gamot sa nasabing Barangay,
kung saan ginagamit niya ang kanyang tahanan sa mga pot session para sa kanyang cliente o parokyano.
Ayon kay P/Maj Patnaan kilala ang suspek bilang isa sa Pinagmumulan ng iligal na droga. na maaari siyang magbenta ng higit sa 50 gramo ng shabu sa isang transaksyon lamang.
Sinabi din ng EPD-DDEU na pinalitan ng suspek ang kanyang kapatid na kinilalang bilang Anthony intalan miyembro din ng Boratong Drug Group na naaresto noon dahil sa paglabag sa RA 9165 noong Hulyo 3, 2018.

Ang suspek ay naaresto na ng mga tauhan noon ng PNP-DIG para sa Paglabag sa Sec 11, Art II ng RA 9165 sa kanyang tirahan noong 2006. Ngunit nakalaya din.
Pansamantalang nakakulong ngayon ang suspek sa Custodial Facility ng Pasig CPS, habang inaayos ang kasong sa kanya na may kinalaman sa illegal ma droga.
Via | Jo Alcantara
Comments