CHINESE KIDNAPPER TIMBOG SA ANGELES PAMPANGA.
- Gov.Garry
- Sep 4, 2020
- 2 min read
Naaresto ng Philippine National Police Anti-kidnapping group ang isang Chinese national na suspek sa kidnapping habang nailigtas ang dalawang kidnapped victim na parehong Chinese nationals sa Quezon city at angeles city.

Ayon sa taga-pagsalita ng PNP-AKG na si P/Maj Ronaldo Lumactod. Setyembre 1, mga dakong 4pm hanggang 9:30pm sa isang fast food chain sa kahabaan ng Boni serrano road, Quezon city at sa isang exclusibong subdivision sa Brgy pampang Angeles city

Isinagawa ng AKG ang magkahiwalay na police operation na pinangunahan ni PCol Villaflor bannawagan hepe ng Central luzon field unit na nagresulta sa pagkakasagip sa dalawang Chinese nationals na biktima ng kidnapping na kinilala na sila Zhang Quixing at Zeng Guoqiang.
ang nabanggit na operasyon ay inilapit sa tanggapan ng PNP-AKG ng isang Wang Dapeng na kaibigan ng biktimang si zhang quiixing na dinukot nitong Agosto 29, 2020 bandang 4:30pm sa NAIA Terminal 1 sa parañaque City
ng mga kalalakihang Chinese at dinala sa Brgy Pampang, Angeles City
sinabing pinilit umano ng mga suspek ang biktima na lumagda sa isang blangkong papel at pinagtrabaho na kinalaunan ay hiningian ng ransom money na nagkakahalaga ng 20,000 Rmb o katumbas ng Php 142,000 pesos
Para sa kaligtasan at kalayaan ng biktima. Habang ang pangalawang biktima ay dinukot naman noong Agosto 31, 2020 bandang 3:00 pm, sa isang lugar sa Pasig City.
Ayon kay BGen Estomo na.Nitong Setyembre 1, 2020, pinakawalan ng mga kidnapper ang biktima na si zhang Quixing sa Jollibee petron malapit sa crame matapos na magbayad ng 16,300 RMB para sa kalayaan.

Mismong biktima ang nagsiwalat na ang mga suspek ay nasa lugar pa rin kung saan sila dinala.
Nagpatuloy ang AKG LFU at bumuo ng isang tracking team upang magsagawa ng hot pursuit operation at nakipagugnayan sa Police Station 2, Angeles CPS at pagkatapos ay nagtungo sa B17 L12, 14 Rosal St, Timog Park Subdivision, Brgy Pampang, Angeles City bandang 9:30 Pm, sinugod ng mga operatiba ang apartment na binanggit ng biktima.

Na nag resulta upang maaresto ang suspect na si Xiong xiong isa ding Chinese National at sa kabutihang-palad nailigtas ang isa pang biktima na nagnga-ngalang Zeng gouqiang na binabantayan ng nasabing suspek. positibong kinilala ng parehong biktima ang naarestong suspek na kabilang sa mga dumukot na nagtrato sa kanila na parang isang baboy.
Pahaya ng Director ng PNP-AKG na si BGen Estomo "as a backgrounder, the suspects more or less 5 to 10 Chinese men are looking for their would be victims at NAIA Terminals or in a place where the Chinese Nationals frequently gathered to pursue their nefarious activities for kidnapping,”

Ang suspek ay nakadetained ngayon sa AKG lockup jail para sa follow up investigation and documentation upang ma trace at matugis ang sinasabing mga kasamahan ni Xiong.
VIA/ jo alcantara
Commentaires