Face shields Mandatory na sa Pasig.
- Gov.Garry
- Aug 31, 2020
- 1 min read
Pasig City Mayor Vico Sotto inatasan ang mga residente na magsuot ng face shields kasama ang face masks sa pang publiko lugar, establisyemento at lugar ng trabaho upang dagdag na protections laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Sotto dahil sa mga alituntunin na itinakda ng pamahalaan minabuti ng pasig city council na mag pasa ng batas sa pangunguna ni konsehal Rhichie Gerard Brown nag-uutos sa publiko na magsuot ng face shield bukod sa face mask bilang proteksyon mula sa COVID-19

“Bukod sa face mask ay kailangan may suot tayong face shield kapag nasa pampublikong transportasyon at opisina, tindahan, atbp" - paalala ni Pasig City Mayor Vico Sotto
“Hindi kailangan ng face shield habang nagmamaneho, nagbibisikleta, o nage-exercise“ dagdag ni sotto
Sinabi ni mayor na magiging mahigpit sila sa pag papatupad ng batas na ito sa susunod na mga araw.
Via | Gov Garry
コメント