Mahigit 10,000 libong Facemask at Face shield ipinamamahagi sa Rosario Pasig city.
- Gov.Garry
- Sep 23, 2020
- 1 min read
Aabot sa 10,000 pack's ng pinagsamang vitamins, facemask at face shield ang ipinamamahagi sa mga residente sa isang brgy sa pasig.

Matatandaang nito lamang nakaraan ay nagbigay ng direktiba si Mayor Vico Sotto na mandatory ang pag suot ng face shield bukod sa pag susuot ng facemask sa lahat ng close area halimbawa sa working place, mall, groceries at iba pang public places. Kasama na dito ang pag susuot ng face shield sa mga pang publikong sasakyan.
Agad tumugon ang kapitan ng Rosario na si kapitan Ely Dela Cruz hinggil dito. Pinag utos niya na mabigyan ang kanyang mga nasasakupan ng face shield at facemask, iniatas din niya na mamahagi ng mga vitamins para mapalakas nila ang kanilang immune system. Dahil makakatulong ito upang mapalakas ang resistensiya na siyang paraan upang hindi dapuan ng virus.

Nag pasalamat naman ang mga residente sa natangap nilang tulong mula sa kanilang barangay. At sa kanilang kapitan na si Ely Dela Cruz. Malaking tulong sa kanila ang nakuha dahil nakatipid sila sa pag bili ng face shield at facemask.

sa kasalukuyan kasi bumaba na ang talaan ng nagkakaron ng COVID-19 cases sa Brgy Rosario at mayroon na lamang 96 active cases, at nasa 431 ang kanilang recoveries habang nasa 16 tao naman ang pumanaw dahil sa sakit.
Nasa 543 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nasabing barangay.
Comments