top of page

WHITE SAND SA MANILA BAY MAPANGANIB DAW AYON SA DOH.

  • Gov.Garry
  • Sep 7, 2020
  • 2 min read

Kinumpira ni Under Health Secretary Maria Rosario Vergeire na may negatibong epekto sa kalusugan ang "dolomite" o iyong dinurog na bato mula Cebu na itinambak at ginamit bilang "white sand" sa dalampasigan ng Manila Bay, ayon sa ilang pag-aaral na nasilip ng Department of Health (DOH),



habang naiipit sa kontrobersiya ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa isinasagawa nilang rehabilitasyon ng manila bay.


Ang sinasabi po sa mga studies sa mga medical literature, first ang dolomite dust, kapag naging dust na siya at kumalat sa nalalanghap na hangin , it can cause respiratory issues or effects to a person," saad ni Vergeire.


"Kapag na-ingest nalunok o nalanghap ito, it can have a discomfort sa gastro-intestinal system natin and magkakaroon lang ng konting pagsakit ng tiyan at pagdudumi"


Maaari rin daw makapagdulot ng irritation sa mata, ngunit maaari naman maagapan basta't makakapag hilamos ng tubig.


Binatikos ng Greenpeace Philippines at mga militanteng mangingisda ng Pamalakaya ang naturang maniobra sa dahilang hindi raw maitatago ng artipisyal na pagpapaganda ang tunay na karumihan ng tubig dulot ng mataas na "fecal coliform levels" at patuloy na mga reclamation.


Bukod pa riyan, maaaring masayang lang daw ang P300 milyong ginastos dito oras na bagyuhin at hampasin ng malalaking alon na mangagaling sa manila bay.


Matatandaang sinabi ni Environment Undersecretary Benny Antiporda na ginagawa nila ito sa pagtatangkang gawang mala-"Boracay" ang nasabing anyong tubig, na nagdurusa ngayon sa polusyon, Basura, at marumig tubig na humahalo dito.


Target ngayon ng kagawaran na maibaba sa 200 mpn/100 ml ang fecal coliform levels nito para muling "malanguyan"


"Kung ma-achieve ang target within the year, kaya na siya pag-swimmingan ng mga residente at ibapa" dagdag ni Antiporda.


Bukod pa sa ilang mga samahan ay binatikos din ito ni Vice president Leni Robredo ang paglatag ng dinurog na "dolomite" sa pampang ng Manila Bay


Sinabi ni Robredo sa kanyang programa sa radyo noong Linggo na ang gobyerno mali ang agad na pagpapadang pisikal ng Manila Bay, na sa gtina ng nakadapang ekonomiya ng bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic


Ano ba naman na i-asses natin yung mga dati nating programa na baka pwede munang gamitin 300 milyon sa ibang programa mas kailangan kaysa unahin ang hindi naman kailangan.


Maari din umano daw itong makapagbigay ng P5,000 cash aid bawat isa para 80,000 pamilyang hikahos ngayon at mas nangangailangan.


Ayon naman kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso pwede pa rin namang ipahinto ang nasabing proyekto ng DENR basta't may factual basis.


Ang matitiyak lang daw sa ngayon ni Domagoso ay walang basura ang parte ng Manila Bay na nasasakupan ng Lungsod ng Maynila.


Payo naman ngayon ng DOH, dapat sumunod pa rin sa mga minimum health standards ang mga nais bumisita sa Manila Bay, bilang pag-iingat na rin sa epekto ng dolomite.



Gayunpaman, malaki ang tiwala ng DOH na pinag-isipan muna ito nang mabuti ng DENR bago ipinatupad.


"I think with the clearance of the [DENR], hindi naman po ipapatupad ng ating DENR 'yan kung hindi po nila napag-aralan na this will cause harm to the environment and our people."

Comments


bottom of page