Mahigit 900 Gumaling sa COVID-19 sa Cainta
- Gov.Garry
- Sep 23, 2020
- 1 min read
CAINTA, Rizal- ikinatuwa ng pamunuan ng Cainta Rizal Government ang patuloy na gumagaling o nakarerekober na mga pasyenteng tinatamaan ng Covid -19.
Ayon kay Cainta Rizal Mayor Keith Nieto umakyat na sa 938 ang nakarekober kung saan nadagdagan ng 11 pasyente ang gumaling,habang umabot naman sa 174 na active cases ang naitala,40 ang nasawi,pumalo sa 1,152 ang kumpirmadong kasong ng Covid-19, 29 ang admitted at 145 naman ang naka Home Quarantine.
Paliwanag ng alkalde malaking tulong ang kanilang ginagawang pagpapaalala sa mga residente na iwasan ang pagkakumpul kumpol o dikit dikit at panatilihin ang Social Distancing,pagsusuot ng facemask at faceshields upang matiyak na ligtas sa Covid-19 ang mamamayan ng Cainta Rizal.
Giit ni Mayor Nieto mahigpit ang kanyang tagubilin sa lahat ng mga opisyal ng Barangay na sitahin ang mga taong lumalabas sa kanilang tahanan na walang part igurong ligtas sila sa nakamamatay na sakit o virus. (Knots Alforte)
コメント