KASAPI NG KIDNAP FOR RANSOM AT MIYEMBRO NG BORATONG PATAY SA PNP-AKG.
- Gov.Garry
- Sep 3, 2020
- 2 min read
Nag resulta sa armed encounter ang pagsisilbi sana ng PNP- Anti-kidnapping group ng warrant of arrest sa isang high profile member ng Amin imam boratong drug group at Abdul Radia KFRG
Ayon sa tagapag salita ng PNP-AKG na si P/Maj Ronaldo lumactod. Setyembre 2, 2020 bandang 3:30 AM, sa Brgy Poblacion 4, Tamarac, Lanao Del Sur,

Sinalakay ng operatiba ng PNP-AKG na pinangunahan ni PCol Alex fulgar ng AKG- MFU iligan satellite office katuwang ang PIU LDSPPO, PMFC LDSPPO, PDEU / PSOG LDSPPO, RIU10, RIU15, 1403rd RMFB, 103rd PNP-SAF at 12 SAC PNP-SAF at kinatawan ng Pasig city police station NCRPO,
Inilunsad ang nasabing joint operation para isilbi ang warrant of arrest na inilabas ng iba't ibang judicial Branches ng Pasig City RTC ng paglabag sa R.A. 8294, R.A. 9165, R.A.1059, P.D. 1866 na pawang may kinalaman sa illegal na droga at illegal possession of firearms and ammunitions at iba pang kaso.
Laban sa suspek na si Aleman Bantuas Buratong "alyas boy negro" na napag alamang armado,mapanganib na personalidad at sinasabing may mga armadong tauhan.
Ayon sa pahayag ni PBGen Jonnel Estomo Director ng PNP-AKG habang papalapit sa pinagkukutaan ng suspek ang mga operatiba para hulihin. agad itong nagpaulan ng sunod sunod na putok na hudyat na handa itong lumaban ng patayan. ito ang nagtulak sa pulisya para gumanti na nag resulta sa pagkamatay ni boy negro.

Agad naman isinugod ang suspek sa Global Hospital sa Poblacion, Tamparan, Lanao Del Sur ngunit idineklara itong dead on arrival.
Kinumpirma din ni B/Gen Estomo na ang nasawing si Aleman Boratong "alyas boy negro" ay isang high profile member ng Amin imam boratong drug group na sangkot sa shabu tiangge drug trade noon sa Pasig City
Isa din umanong miyembro ito ng Abdul RADIA KFRG ma isang kidnap for ransom group na nagooperate sa Lanao Del Norte at Lanao Del Sur.
ang grupong ito ang tinuturong responsable sa pag dukot kay Narija Saldivar, isang negosyanteng babae sa Iligan City noong 2010,
Gayundin sa pag kidnap kay Hadji zainal Datumanong sa Marawi City noong Marso 19, 2017, at isang engineer liling lanto ibrahim sa Marantao, Lanao Del Sur noong Hulyo 2017 at ang kanyang grupo ay may kinalaman din sa pagbaril at paglikida ng mga personel ng PNP at AFP sa iba`t ibang lugar sa Lanao Del Sur at kalapit na lalawigan.

Nakuha ng mga operatiba sa crime scene ang isang Cal.45 na may serial No. 986347, isang insert magazine, dalawang fired cartridges case, anim na sachet na pinaniniwalaang shabu na mula sa suspek na dinawa sa Tamarac police station para sa documentation at proper disposition.
Via jo Alcantara
Comments