top of page

Lalaking sinita dahil walang facemask tinakbuhan ang mga pulis

  • Gov.Garry
  • Aug 31, 2020
  • 1 min read

Sa inisyal report na isinumite ni P/Capt Boduntur Monte Commander ng Police Community Precint Substation 8 kay PCOL Moises Villaceran hepe ng pasig police.


Bandang 12:05 am August 29 2020 ng sa kaalinsabay st. Brgy manggahan pasig city ng sitahin niya ang nagbibisikletang lalaki upang ipabatid na siya lumabag sa city ordinance halimbawa ang curfew at hindi pagsusuot ng face mask.


Ngunit sa halip na tumigil para makipagusap kumaripas ito ng takbo Agad namang inatasan ni Capt Monte si Pcpl Gaffud at Pcpl Abuda operatiba ng PCP8 na habulin.


Tumagal ng 30 minuto ang habulan ng suspek at mga pulis na kinalunan ay naaresto malapit sa kanyang tirahan sa kaayusan st.brgy manggahan pasig city.

Nakilala ang nanakbong suspek sa alyas Jomar 26 yrs old, helper agad din siyang kinapkapan.



nakuha mula sa kanya ang isang itim na bag na naglalaman ng isang pirasong heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na sa 0.10 grams na may halagang Php680.00 at isang 1,000 peso bill.


Todo tanggi naman ang suspek na sa kanya ang nakuhang droga giit niya natakot lang daw siya kaya tumakbo ng sitahin siya ng pulis.


Ayon naman P/Capt Monte sa kanya ang droga ito nga ang dahilan para kumaripas siya ng takbo at iwasan ang pulis.


Aniya wala naman dapat ikatakot dahil ipinatutupad lamang nila ang mahigpit polisiya dahil sa umiiral na pandemya gawa COVID-19.




Ang suspek at ang mga nakuhang mga ebidensya ay dinala police station para sa documentation at sa EPD-Crime Laboratory, Mandaluyong City para sa drug test at laboratory examination habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.

Via - Jo Alcantara

留言


bottom of page