LOOK: Huli sa mismong barracks ang dalawang kelot na ito habang gumagamit ng hinihinalang shabu.
- Gov.Garry
- Sep 5, 2020
- 1 min read
Dalawang trabahador ang nahuli sa aktong gumagamit ng pinaniniwalaang shabu sa mismong barracks ng IPM na nasa kahabaan ng Sandoval ave. Brgy san miguel pasig city.

Ayon kay P/Capt Medel Rafuzon Commander ng Police Community Precint ng Substation 6 nakatanggap ng text message ang HR tungkol sa nagaganap na pot session sa barracks ng mga manggagawa kaya agad umakyat ang mga security personel.
Dito na bumungad at nakuhaan pa ng Video habang gumagamit ng shabu at itinago pa ang mga paraphernalia sa ilalim ng unan.
Kinilala ang mga suspek na sina Jaygie Mendoza 26 yrs old at Marlon pagyo 43 yrs old parehong garbage collector sa IPM waste management division. Sa pasig.
Agad tumawag sa istasyon ng pulisya ang security personel upang ireport ang pangyayari at sa aktwal na pagkakahuli sa dalawa na bumabatak agad na inassist ng mga tauhan ng pasig city police ang mga complainant.
Nakuha mula sa mga suspek ang 3 piraso ng nakarolyong aluminum foil, dalawang lighter at 2 piraso ng nakabukas sachet ng hinihinalang shabu na may residue pa.
Hindi naman nila itinanggi ang nakuha mula sakanila at ang katwiran nila kaya sila gumagamit ng illegal na droga.upang panlaban sa puyat at ang mahabang oras ng trabaho.

Nakadetine sila sa pasig city police station na nahaharap sa paglabag sa Sec.12, Art. II RA 9165.
Via | Jo Alcantara
Actually Video credit to IPM Human resources.
Comments