Mahigit 146M na Illegal Drugs ang nakumpiska ng Pasig Pulis sa pangunguna ni P/Col.Moises villaceran
- Gov.Garry
- Sep 26, 2020
- 1 min read
Aabot sa 109 ang warrant of arrest na naisagawa ng pasig police at karamihan dito ay kabilang sa top 10 most wanted person ng siyudad.
Ayon kay PLtCol Robert Delos Reyes Deputy chief of police for operation ng pasig city police.

Simula march 15 hanggang sa kasalukuyan ay aabot sa 109 warrant of arrest ang naisagawa ng mga awtoridad ng pasig police.
Kasama rito na ang ang apat na sa most wanted person ng Pasig na may kinalaman sa kasong murder, homicide at robbery.
Habang third quarter ng taon kasalukuyan nakuha rin ang 6 sa top 10 most wanted personality kasama na dito ang rank no.2 na may kasong murder na si Rendell De Ocampo na naaresto sa angeles pampanga nitong Setyembre 3.2020
Nabanggit din ni Delos reyes patuloy ang pag track ng pasig police sa mga iba pang nasa listahan ng Most wanted person ng lungsod.
Samantalang ibinahagi rin ni Ltcol Delos Reyes ang datos ng mga iligal na droga na nakumpiska sa mga buy bust operation at check points at ipaba na may tinatayang halaga na Php146,226,662 na pawang mga shabu at marijuana.

Patuloy rin ang paglalatag ng police presence na tinawag ni P/Col Moises villaceran na OPLAN OMNI na kinagawiang beat patrol, mobile patrol at Police visibility sa lahat nga area sa pasig city.
Kasama rin dito pagkakaroon ng meeting every week para evaluations ng mga Police Community Precint or substations upang mamonitor ang mga tinaguriang hotspot areas or risk area kung saan madalas na mayroong nagaganap na krimen at ibapang illegal na aktibidad.
Via | Jo alcantara & Garry Rada
Comments