Marikina cops nakahuli ng P272k na shabu sa drug buy bust.
- Gov.Garry
- Sep 4, 2020
- 1 min read
Nasakote ng drug enforcement unit ng Marikina City Police ang tatlong hinihinalang drug suspect at drug pushers sa isang buy-bust operation nitong September 2, 2020 dakong 11pm ng gabi.
Isingawa ang operation sa Guevarra Compound Kapitan sindo st.Brgy Jesus Dela Peña, sa naturang lungsod nahuli sina eduardo macaras 44 taong gulang alyas Balong, albert cimafranca 30 taong gulang alyas bert at isang alberto robles alyas nuno 42 taong gulang.
Ayon sa report ni PCOL Restituto arcangel hepe ng marikina Police station kay EPD District Director PBGEN Johnson Almazan ang isinagawang buy-bust operations ay nag resulta sa pagkaka aresto sa tatlong suspek matapos magbenta ng illegal na droga sa police poseur buyer.
Nakuhaan ng anim na pirasong small heat sealed plastic sachet at
Apat pirasong medium plastic sachet na pinaghihinalaang shabu.
Nakuha din sa mga suspek ang isang digital weighing scale ,1 motorsiklo, coin purse,gunting at five hundred pesos na buy bust money.
Ang mga nasamsam na pinaniniwalaang shabu ay may tinatayang bigat na hindi mababa sa 40 grams na may street value na aabot sa P272, 000 pesos.

Nakadetine sa Markina police station custodial facilty ang mga suspek na nahaharap sa paglabag sa sec 5 at sec 11 ng Art II of RA 9165.

Pinuri naman ni PBGEN ALMAZAN ang operating team para sa matagumpay na pagsasagawa ng operasyon at pagtupad ng tungkulin sa gitna ng pandemya.
Kommentare