Mga residente ng Unang Distrito ng Rizal ikinatuwa ang tulong Pinansyla ng isang Mambabatas sa Rizal
- Gov.Garry
- Sep 25, 2020
- 1 min read
Mga residente ng Unang Distrito ng Rizal na tinamaan ng Covid-19 pandemic ikinatuwa ang tulong Pinansyla ng isang Mambabatas sa Rizal Province.
Labis na ikinagalak ng mga residenteng tinamaan ng pandemya ang ibinigay na tulong Pinansyal ni Rizal 1st District Congressman Jack Duavit sa pakikipagtulungan naman ng Assistance to Individuals in Crisis Situation-Dept.of Social Welfare and Development o AICS-DSWD.
Isa-isang iniinterview ng DSWD ang mga dumagsa upang maibigay na ang Php 5,000 cash pay-out para sa mga lubhang naapektuhan ng pandemya at walang hanapbuhay para pangtustos sa pang araw araw nilang pamumuhay.
Ayon kay Gigi Maristela-Opsomer makatatanggap ang lahat ng mga naapektuhan ng Covid-19 pandemic
depende umano sa kanilang pangangailangan matapos ang mainterview ng Social Worker ng DSWD.
Paliwanag ni Opsomer naging maayos naman umano at sinunod nila ang mga Health Protocols na kautusan ng Inter Agency Task Force na magsuot ng Facemask at Faceshields lalu na kinakailangang paiiralin pa rin ang Social Distancing.
Dagdag pa ni Opsomer na sa darating na Martes ay naka Schedule naman uli ang mga susunod na mabibigyan ng ayuda na galing sa pondo ni Congressman Jack Duavit at ng AICS-DSWD sa Marick Subdivision Basketball Court sa Brgy. San Sto. Domingo bahagi ng Rizal Province.
VIA|KNOTS ALFORTE
Commentaires