MGen Sinas held a Dialogue and Surprised drug test to EPD personnel
- Gov.Garry
- Sep 7, 2020
- 1 min read
Nakipag dayalogo si NCRPO Regional director P/MGen Debold sinas sa mga tauhan Eastern police district kaugnay sa pag tugon sa mga barangay na apektado ng Covid-19 at sa ilang mga EPD personel na ginagampanan ang tungkulin sa gitna ng pandemya.

Naroon din ang mga chief of police,district staffs EPD Command Group, Force Commander, DMFB, Team Leaders, EPD Health Service.
Aniya isa sa mga paraan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit ay ang paglikha ng Speakers Bureau, na magsasagawa ng series of lectures sa mga Baranggay hinggil sa awareness laban sa krimen at COVID-19, at isagawa sa iba`t ibang mga istasyon ng pulisya.

Dagdag pa ni Gen Sinas inatasan niya ang mga District Commander lalo na ang investigation unit na higit na ituon ang pansin sa upang maiwasan ang crime against property, tulad ng Basag-Kotse, Pawnshop Robbery / akyat-bahay at mga Street Crimes.
Sinabi din ni sinas na nagbigay credit sa lahat ng pagsusumikap ng EPD Health Service sa mga oras ng pandemya na nararanasan ng bansa, mismong ang Regional Director ang nag-donate ng mga PPE's at PNP athletic uniform upang magamit sa panahon ng kanilang paglilibot sa panahon ng health crisis.

Matapos ang maikling diyalogo hindi muna pinalabas ang mga kawani ng Eastern police district kung saan dumaan muna sila sa isang surprised drug test.
Ayon kay P/BGen Johnson Almazan Director ng Eastern police district ipinapakita lamang nila na aktibo ang EPD sa agresibong kampanya na internal cleasing ng Philippine National Police.
Comments