top of page

Most wanted person sa Antipolo nakalawit ng Agila.

  • Gov.Garry
  • Sep 7, 2020
  • 1 min read

Naaresto sa cupang antipolo city ng PNP Anti-kidnapping group special operation unit ang isang most wanted person na may kasong murder.


Ayon kay P/Major Ronnie Lumactod taga-pagsalita ng PNP-AKG nitong biyernes september 4, dakong 7:50PM sa Blk 11 Lot 7, Narra Ave, Palmera Woodland, Brgy Cupang, Antipolo City.


Isinilbi ni PNP-AKG Special operation unit chief PLtCol Wilfredo Sy ang warrant of arrest at ang pakay ng police operation si pedro denola jr. na may kasong murder na inisyu ni Hon. Eduardo Israel Tanguanco, Presiding Executive Judge ng RTC Branch 89 4th judicial region sa Bacoor city lalawigan ng cavite at walang nirekomendang piyansa.


Ang suspek na si denola ay responsable sa insidente ng pagpatay na naganap sa Queensrow, molino, bacoor city noong 2005 at na trace ng AKG na nagtago ng labin-limang taon sa Antipolo City.


Sa pahayag ni P/BGen Jonnel estomo PNP-AKG Director "As a backgrounder, arrested accused was apprehended based on the intelligence driven by this operatives


"Ito ay naka batay sa Seal ng AKG ang Mapanuring Mga Mata ng Agila na Walang Kriminal ang makakatakas sa batas at hindi maaring magpagala gala sa mga kalye nang malaya, ang mahahabang bisig ng batas ay ating ipinapatupad."



Ang naaretsong suspek ay dinala sa PNP-AKG Headquarters para sa documentation at ihaharap sa korteng naglabas order ng pagkakadakip sa akusado.

Commentaires


bottom of page