TOP 1 MOST WANTED PERSON NG EPD NALAMBAT
- Gov.Garry
- Oct 11, 2020
- 1 min read
Naaresto ng District Special Operations Unit o (DSOU) sa Trece Martirez, Cavite ang tinaguriang Eastern Police District’s Top 1 ‘most wanted person’ nitong sabado ng gabi.
Kinilala ni EPD Director PBGen Johnson Almazan ang akusado na si Arthur Nicolas, 27-anyos.
Ayon Kay PBGen Almazan, Bitbit ang Warrant of Arrest inilunsad ang manhunt operation laban sa suspek matapos makakuha ng impormasyon ang mga operatiba sa posibleng lokasyon ng suspek na si nicolas sa Trece Martirez,Cavite.
At ng magpositibo agad sinalakay ng magkasanib na pwersa ng DSOU at DID ng Eastern Police District sa pangunguna ni PLtCol Ramil Enteraso ang pinagkukutaan ng suspek na nagresulta sa pagkakaaresto nito.
Ang nasabing warrant of arrest ay inisyu ni Hon.Judge Imelda L.Portes-Saulog, ng RTC Branch 214, sa Mandaluyong City para sa kasong 3 Counts of Rape.
Ang suspek ay naka detine sa Mandaluyong CPS Custodial Facility at ihaharap sa Court of Origin na nagutos ng kanyang pagkakahuli.
Via | Jo Alcantara
Comments